Tuesday, February 19, 2008

In Love...

Sa pag-ibig…. Ano nga ba ang mahirap gawin?

Siguro ang magpakasaya at ngumiti

Lalo na pag alam mong mawawala na siya

Pinipilit mong magpakasaya pero

Ang hirap talaga eh….

Mas lalong mahirap kung aalis na siya

Na di mo manlang nasasabi ang feelings

Mo para sa kanya….

Lalo na pag nasanay kang laging nandyan siya

Grabe… ang hirap talaga

Tinignan mo ang lugar na laging nandun siya

Tapos biglang na-realize mo,

“ay! Wala na nga pala siya…..”

Wala ka nang magawa kung hindi pangarapin

Na nandyan siya nakatingin sayo

Sabay ngiti niya abot hanggang tenga

Grabe! Gusto ko na ring mawala!

Naramdaman mo na ba yun?

Yung gusto mo nandun ka nung nasaan man siya?

Eh paano kung nasa ibang mundo na siya?

Ang labo noh?

Minsan ba sa posisyon mo sa pagmamahal

Nasabi mo na ba ang mga salitang

“gagawin ko ang lahat para sa kanya”

Eh paano kung sabihin niyang tumalon ka from

6th flr. Gagawin mo parin ba?

Kaya mo pa ba yung ganon……

Siguro sa pag-ibig yun nga ang mahirap gawin…..

No comments: